Aminado ang Commssion on Elections (COMELEC) na walang nilalabag na batas ang mga presidential aspirants maging ang mga nakapag-sumite na ng kanilang Certificate of Candidacy (COC) kapag nagsasagawa ang mga ito ng caravan, ayuda o kahit ano pang aktibidad na mistulang kampanya.
Ayon kay COMELEC Spokesperon James Jimenez na hindi pa umano opisyal na kandidato ang mga nag-sumite ng COCs kayat hindi pa nag-a-apply sa kanila ang Election Laws ng bansa.
Paliwanag ni Jimenez dahil dito ay hindi mapapanagot ang kahit sinong nagbibigay ng ayuda o pera sa kahit sino kahit pa sabihin aniya na malinaw na ito ay vote buying, o early campaigning.
Matatandaang sa pagkapresidente palamang ay kanya-kanyang diskarte na ang iba’t ibang mga aspirants ng kanilang aktibidad gaya na lamang ng pamimigay ng tulong at caravan na nagmimistulang namang maagang pangangampanya.