Misuari, nagbanta ng giyera kapag hindi ipinatupad ang Federal System of Gov’t

Nagbanta ng giyera si Moro National Liberation Front (MNLF) founding Chairperson Nur Misuari kung hindi maipatutupad ang Federal System of Government.

Ito ang sinabi ni Misuari kay Pangulong Rodrigo Duterte sa kanilang pagkikita sa Malacañang nitong Martes (March 19).

Sa campaign rally ng PDP-Laban sa Marikina City kagabi, ikinuwento ng Pangulong Duterte ang pag-uusap nila ni Misuari.


Aniya, iginigiit ni Misuari ang Federal System of Government dahil pangako pa ito sa mga Moro ni dating Pangulong Corazon Aquino.

Ipinaalala naman ng Pangulo kay Misuari na ang pagpapapalit ng sistema ng gobyerno ay kailangan ng congressional concurrence.

Nagmungkahi rin ang Pangulo na bumuo ng panel para sa federalism initiative.

Sa ngayon, nakabinbin pa sa Kongreso ang panukalang federal system.

Facebook Comments