‘Mix and match’ pa lamang ng mga bakuna ng AstraZeneca at Sputnik V ang inirerekomenda ng Vaccine Expert Panel (VEP).
Kahapon, matatandaang sinabi ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. na maaaring gamitin ang AstraZeneca bilang second dose, oras na ma-delay pa ang dating ng Sputnik V sa bansa ngayong buwan.
Sa interview ng RMN Manila, nilinaw din ni VEP Chairperson Dr. Nina Gloriani na gagawan pa lamang nila ito ng official recommendation.
Samantala, nakitaan din ng mataas na efficacy ang Russian single-dose vaccine na Sputnik Light na kaparehas lamang din ng Sputnik Component I.
Kaya kung talagang mapapatunayan ang bisa nito laban sa COVID-19, posibleng hindi na bigyan ng second dose ang mga naturukan na ng unang dose ng Russian-made vaccine.
“Maganda yung kanyang efficacy, 21 days after the first dose, ang efficacy ay nasa 82.3%. Yun ang kinaklaro namin ngayon. Kung yung Sputnik Light na tinatawag nila ay yun talaga yung Component I. In that case, kung masagot na nila yun [at] kulang pa rin ang mga doses, pwedeng isa na lang din,” paliwanag ni Gloriani.
Samantala, ayon sa Food and Drug Administration (FDA), kailangan muna ng pag-aaral bago ituloy ‘mix and match’ ng AstraZeneca at Sputnik V.