Mix and match ng COVID-19 vaccines, pinag-aaralan ng experts panel – FDA

Patuloy pa ring pinag-aaralan ng Vaccine Experts Panel (VEP) ang mixing at matching ng mga brand ng COVID-19 vaccines.

Ayon kay Food and Drug Administration (FDA) Director General Eric Domingo, ang mix and match ay pinag-aaralan pa rin sa ibang bansa, partikular sa Europe.

Lumalabas sa mga inisyal na pag-aaral ang kombinasyon ng AstraZeneca at Pfizer COVID-19 vaccines ay nagpapakita ng mataas na efficacy.


Dagdag pa ni Domingo, ang mga ganitong pag-aaral ay isinasagawa na rin ng Department of Science and Technology (DOST) sa Sinovac vaccines at sa ibang brand na available sa bansa.

Facebook Comments