Lumalabas sa mga inisyal na pag-aaral na tumataas ang immunity laban sa COVID-19 sa pamamagitan ng mixing at matching ng COVID-19 brands.
Ayon kay Food and Drug Administration (FDA) Director General Eric Domingo, maganda ang mga lumalabas na preliminary studies ukol sa paghahalo at pagtutugma ng COVID-19 vaccines.
Aniya, tumataas ang naibibigay na proteksyon sa mga pasyente.
Batay sa mga pag-aaral, inaalam kung maaaring i-partner ang Sinovac o Sinopharm vaccines sa Moderna at Pfizer vaccines.
Samantala, naglabas na ang FDA ng emergency use authorization (EUA) sa Department of Health (DOH) para sa posibleng donasyon ng Johnson & Johnson vaccines mula sa Estados Unidos.
Naglabas na rin ang FDA ng EUA sa DOH para sa AstraZeneca vaccines na donasyon mula sa Japan.