“Mix-and-match trial’ ng COVID-19 vaccine, sisimulan na sa susunod na buwan

Sisimulan na ng Department of Science and Technology (DOST) sa susunod na buwan ang pag-aaral sa kaligtasan at pagiging epektibo ng paghahalo ng limang COVID-19 vaccines.

Ayon kay DOST Usec. Rowena Cristina Guevarra, 3,000 indibidwal na may edad 18 pataas ang maaring maging bahagi ng ‘mix and match trials.’

Ang mga ito aniya ay mula sa A1 hanggang A4 priority groups at mga residente ng Metro Manila.


Nabatid na tatagal ng 18 buwan ang pag-aaral kung saan gagamitin ang Sinovac, Sputnik V, AstraZeneca, Pfizer at Moderna COVID-19 vaccines.

Facebook Comments