MIXED EMOTIONS | Pamilya Demafelis, magkahalo ang emosyon sa pagkaaresto sa principal suspek na pumatay kay Joanna Demafelis

Manila, Philippines – Masaya at nagpapasalamat ang pamilya Demafelis sa balitang nahuli na sa Lebanon ang pangunahing suspek sa pagpatay sa ilongga OFW na si Joanna Demafelis sa bansang Kuwait.

Ito ang reaksyon ni barangay kagawad Pablo Demafelis kasunod ng pagkaaresto kay Nader Essam Assaf sa Lebanon.

Ayon kay kagawad Demafelis na magkahalong saya ang kanilang nararamdaman na nahuli ang suspek at gayundin nasasabik na silang makamit ang hustisya sa pagpatay kay Joanna.


Napag-alaman na humihingi ng hustisya ang pamilya Demafelis sa karumal-dumal na pagpatay kay Joanna.

Facebook Comments