Miyembro Civilian Volunteer sa Malasiqui Pangasinan arestado; bala at granada nakumpiska

Arestado ang isang Civilian Volunteer sa Malasiqui Pangasinan matapos maghain ng search warrant ang awtoridad sa tahanan nito.
Kinilala ang suspek na si Samuel Jimenez, 56 anyos, tubero at residente ng Barangay Bolaoit ng nasabing bayan.
Kumpiskado ang 11 bala ng caliber 45 at isang hand grenade.
Dinala ito sa PNP Malasiqui at kakasuhan ng paglabag sa Illegal Possession of Firearms and Ammunitions.
###

Facebook Comments