Cauayan City, Isabela-Boluntaryong sumuko sa pulisya ang isang miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) sa coastal town ng Isabela.
Bandang 5:10 ng hapon nitong Linggo, Hunyo 21 ng sumuko ito sa kahabaan ng Seashore ng Brgy. Dimapula, Divilacan sa Lalawigan ng Isabela.
Isang ‘John Doe’ di tunay na pangalan na residente ng Brgy. Dimapnat ang nagbalik-loob sa pamahalaan matapos mahikayat ng komunistang grupo partikular ang Regional Sentro De Grabidad (RSDG), Komiteng Rehiyon Cagayan Valley (KR-CV) taong 2019 bilang squad leader na may anim pang miyembro at tumagal hanggang nitong nakalipas na buwan ng Marso 2020.
Nabatid na ang grupo ay nasa bahagi ng bulubunduking bahagi sa siyudad ng Ilagan at nagkaroon lamang siya pagkakataon na tumakas at magtungo sa kanilang pamilya.
Personal din itong sumuko sa bise-mayor ng Divilacan hanggang sa ipasamakay ito sa tanggapan ng pulisya.
Ayon sa pahayag ni PBGen. Angelito Casimiro na serysoso ang gobyerno para sa pagbibigay ng payapang pamumuhay sa mga rebeldeng gustong magbagong buhay.
Hinikayat naman ng opisyal ang iba pang rebelde na isuko ang kanilang mga armas at magbalik sa pamahalaan para makapiling ang kanilang pamilya ng payapa.