*Cauayan City, Isabela*- Tinatayang nasa 25 na miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) mula sa Barangay Busilac, Bayombong, Nueva Vizcaya ang gumawa ng ilang hakbang upang makatulong sa mga iba pang beneficiaries upang maibsan ang gutom sa kabila ng umiiral na Enhanced Community Quarantine sa buong Luzon dahil sa banta ng COVID-19.
Batay sa inilabas na pahayag ng DSWD Region 2, ito ay ideya ng mga grupo nagmula sa Family Development Session (FDS) kaya’t naisipan nilang gamitin ang perang kanilang nalikom para gawing kapaki-pakinabang para sa iba.
Sa kabila ng kanilang katayuan sa buhay at dahil na rin sa kinita nila sa pagtitinda ng kanilang naaning pananim ay nakabili ang mga ito ng limang sako ng bugas upang ipamigya naman sa kanilang kapwa beneficiaries habang patuloy ang paghihintay ng tulong mula sa gobyerno.
Sa ngayon ay mananatiling halimbawa ang ginawang aksyon ng mga ito sa kabila ng mahigpit na enhanced community quarantine sa kanilang lugar.