Miyembro ng ACT, lumutang at ibunyag ang partisipasyon ng grupo sa CPP-NPA-NDF

Manila, Philippines – Pinatotohanan ngayon ng isang miyembro ng Alliance of Concerned Teachers na ang kanilang organisasyon ay may direkrang partisipasyon sa rebeldeng CPP-NPA.

Sa isang exclusive media interview sinabi ni Ka Jamie, isang guro na unang naging miyembro ng act noong 1982, noong una, mga isyu at pagra-rally lang ang kanilang ginagawa.

Pero sa kalaunan ay nadiskubre niya na may iba nang intention ang grupo.


Kinumpirma ni ka Jamie na ginamit siyang instrumentro sa pagrerecruit ng mga guro na sumama sa kaguma o katipunan ng mga gurong makabayan, isang grupo na naniniwala sa armed struggle.

Ibinunyag din niya na kabilang sa naging papel niya noon ay makipag coordinate sa iba pang ACT group sa Caraga, Davao, Bicol at Northern Luzon para sa pag recruit ng mga estudyante na sasanib sa NPA

Taong 2005, ayon kay ka Jamie, naatasan siya ng CPP NPA na bumuo ng Secretariat para gawin ng ACT partylist ang grupo at makiisa sa election.

Kinumpirma din niya na marami nang guro sa ilalim ng ACT ang aktibong supporters ng CPP-NPA.

Facebook Comments