Manila, Philippines – Nadakip ng pinagsanib na pwersa ng pulisya at militar ang isang miyembro ng Abu Sayyaf Group na sangkot sa pangingidnap at pambobomba sa Mindanao.
Kinilala ang naarestong ASG na si Abdurahman Mataud Daiyung na naaresto kahapon ng umaga sa Padre Faura Ermita Manila.
Ayon kay NCRPO Chief Police Director Guillermo Eleazar, may existing warrant of arrest si Daiyung dahil sa pagkakasangkot nito sa kidnapping ng 15 plantation workers sa Basilan noong 2001.
Itinuturo din siyang suspect sa pambobomba sa Kidapawan bus terminal noong 2002.
Si Daiyung ay nagtatago sa Ermita Manila nang maaresto ng mga awtoridad.
Facebook Comments