Miyembro ng bonet gang, patay sa engkwentro sa Q.C

Manila, Philippines – Patay ang miyembro ng bonet gang makaraang, manlaban sa mga pulis sa perya road Bgry. Old Balara Q.C

Kinilala ang suspek na si Wilfredo Tasena, alyas Willie.

Ayon kay QCDP District Director Chief Supt. Guillermo Eleazar, sa pamamagitan ng warrant of arest aarestuhin sana ang suspek dahil sa kasong pag patay at pagnanakaw.


Pero nakatunog sa operasyon si Willie at nagpaputok ng baril kaya gumanti ang mga owtoridad.

Patay ang suspek habang isa ang sugatan sa pulisya na nakilalang si PO2 Anthony Bugalyon matapos tamaan ng bala sa kanang kamay.

Ayon kay Eleazar, sangkot sa iligal na droga at pangingikil ang napatay na suspek.
DZXL558, DK Zarate

Facebook Comments