Miyembro ng Daulah Islamiyah, naaresto sa Quezon City

Isang myembro ng Daulah Islamiyah ang naaresto ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District kahapon, January 1, 2020.

Ayon kay PNP OIC Lt. Gen. Archie Gamboa, naaresto kahapon ang terorista na si Datu Omar Palty sa Adrian St. corner Banning St. Brgy. North Fairview.

Si Palte ay dating miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighter bago napasama sa grupong Daulah Islamiyah.


Ayon kay Gamboa, si Palte ang nagsisilbing point man ng kanyang mga kasamahang Daulah Islamiyah dito sa Metro Manila.

Sa pag-aresto, nakuha sa suspek na nagbebenta rin ng iligal na armas ang iba’t ibang mga baril, bala at pampasabog.

Nahaharap na ngayon ang suspek sa Paglabag sa RA 10591 o The Comprehensive Firearms and Ammunition Law at RA 9516 o Illegal Possession of Explosives.

Facebook Comments