Miyembro ng gun for hire group, arestado sa Pangasinan

60

Huli ang isang miyembro ng gun for hire group sa ikinasang operasyon ng Philippine National Police- Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) sa Brgy. Balangay, Urbiztondo, Pangasinan.

Kinilala itong si Rolando Dela Cruz, umano’y miyembro ng “Sayson Group” na sangkot sa gun for hire at gunrunning activities na nag-ooperate sa 2nd District ng Pangasinan.


Sa ulat ng PNP-CIDG sa pamamagitan ng search warrant, sinalakay ng mga pulis ang lugar ng suspek dahilan para maaresto ito at makuha ang isang caliber 45 pistol, tatlong magazine ng caliber 45 pistol, 22 rounds ng ammunition at isang black case ng caliber 45.

Sa ngayon, nasampahan na ng kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Law ang suspek na si Dela Cruz.

Facebook Comments