MIYEMBRO NG ISANG WANTED DRUG GROUP MULA CAMARINES NORTE, TIKLO SA LINGAYEN, PANGASINAN

Tiklo sa isinagawang joint operation ng awtoridad sa Lingayen, Pangasinan ang itinuturing na miyembro ng isang wanted drug group mula Camarines Norte.
Kinilala ang suspek na isang 47 anyos na lalaki, miyembro ng Gutierrez Factor Drug Group na nag-o-operate sa bayan ng Mercedes, Camarines Norte.
Sa bisa ng warrant of arrest, nahaharap sa kasong paglabag sa R.A. No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek at walang inirerekomendang piyansa.
Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng awtoridad sa Mercedes, Camarines Norte ang suspek para sa tamang disposisyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments