Cauayan City, Isabela- Arestado ang isang miyembro ng Communist Terrosit Group at walong iba pa matapos ang pinaigting na magkakahiwalay na operasyon ng pulisya sa Cagayan Valley.
Bandang 2:15 ng hapon kahapon ng maaresto sa Brgy. Casagan, Sta. Ana, Cagayan ang isnag miyembro ng komunistang grupo na kinilalang si Adoracion Miguel alyas’Cion/Lalo na kabilang sa Alpha Northern Front at Top 5 Most wanted Person Provincial level, 62-anyos at residente sa nasabing lugar.
Dinakip si alyas Cion sa kasong Robbery with Arson matapos ipag-utos ng korte ang pag-aresto habang walang inirekomendang piyansa para sa pansamantalang kalayaan nito.
Maliban dito,naaresto din ang iba pa na kinilalang sina Aldman Sunio,( Top 7 Provincial Level-Intel List and Top 2 Municipal Level-Invest List), 46-anyos at tubong Brgy. Mabuno, Gattaran, Cagayan at nahaharap sa kasong Rape in relation to RA 7610; Gidion Nanguddu, 32-anyos, (Top 6 Municipal Level of Diffun, Quirino; at Randy Pasuquin, 44-anyos, binata at kapwa mga magsasaka na residente ng Brgy. Gabriella, Diffun, Quirino para sa kasong Robbery with Intimidation.
Dinakip din sina Fernando Domingo, 49-anyos, isang magsasaka at residente ng Brgy. Agaman Norte, Baggao, Cagayan at nahaharap sa kasong PD 705 o Illegal Logging; Frederick Domingo, 44-anyos, may-asawa, isang driver at residente ng Brgy. Paddaya, Aparri at may kasong paglabag sa PD 705; Aaron Acorda, 30-anyos, government employee at residente ng Brgy. San Gabriel, Tuguegarao City at may paglabag sa RA 3019, RA 6713, at Robbery; Jervis Vinarao, 28-anyos, medical technician, tubong Casibarag Sur, Cabagan, Isabela at residente ng resident of Batasan Hills, Quezon City n anahaharap sa kasong RA 7610; Feliciano Soriano, 37-anyos, at residente ng Old Palengke, Brgy. Calamagui 1st, City of Ilagan, at nahaharap sa kasong Direct Assault Upon Agent of Person in Authority.
Pinuri naman ni PBGen. Angelito Casimiro ang pulisya dahil sa matagumpay na operasyon laban sa mga wanted sa batas.