
Naaresto ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at ng operatiba sa isinagawang manhunt operation ang isang lalaki na may warrant of arrest para sa kasong murder sa Tuguegarao City, Cagayan.
Kinilala ang suspek na si alyas “Simeon”, 62 taong gulang, miyembro ng “Labang Criminal Group” at tinuturing na Number 6 Regional Most Wanted Person sa Cagayan Valley.
Ang “Labang Criminal Group” ay nagooperate sa 3rd District ng Cagayan Valley at karatig lugar nito sa Kalinga at Isabela Provinces kung saan sangkot umano ang grupong ito sa gun-for-hire; robbery o hold-up; akyat-bahay, extortion, carnapping, at cattle rustling activities.
Ayon sa ulat, noong Hulyo 2018 nang si alyas “Simeon” kasama ng 4 pa nitong kasabwat ay pinagbabaril at pinatay si Konsehal Alfred Alvarez ng Rizal, Cagayan.
Sa ngayon ang suspek ay nasa kustodiya na ng pulisya at nahaharap sa kasong isinampa sa kanya.
Tiniyak naman ng CIDG na magpapatuloy ang kanilang mga manhunt operation laban sa wanted persons at pugante sa buong bansa.









