Miyembro ng LGBTQ, natagpuang patay sa kanyang kubo

19

Nabas, Aklan – Wala ng buhay ng matagpuan ang isang miyembro ng LGBTQ sa kanyang kubo kahapon ng hapon sa Brgy. Alimbo, Baybay, Nabas, Aklan. Ang biktima ay kinilalang si Adrian Arevalo, 23-anyos at resident eng nasabing lugar. Base sa imbestigayson ng Nabas PNP, na kahapon ay pinuntahan ito sa kubo ng kayang kapatid para gisingin at kumain dahil sa alas 2:20 na ng hapon pero hindi na ito humihinga. Huling nakitang buhay ang biktima kahapon ng mga alas 4:00 ng madaling araw na umuwi galing sa isang lamay sa bayan ng Ibajay at natulog. Napag-alaman rin ng mga otoridad sa kanilang pag imbistiga na itong biktima ay nauna ng dumaing sa kanyang mga kaibigan na naninikip ang kanyang dibdib at nahihirapang huminga. Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad sa nasabing insidente.


Facebook Comments