MIYEMBRO NG LGBTQIA+ AT SOLO PARENTS SA MGA BAYAN NG MANAOAG AT SAN JACINTO, NATANGGAP ANG TUPAD PAYOUT

Natanggap ng mga miyembro ng LGBTQIA+ Community at mga Solo Parents ang payout sa ilalim ng programang TUPAD o Tulong Panghanapbuhay sa Ating Displaced/Disadvantaged Workers sa mga bayan ng Manaoag at San Jacinto.
Kapalit ang nasabing payout ng sampung araw ng pagtatrabaho o ang cash-for-work community service na isinagawa sa kani-kanilang komunidad.
Layon ng programang matulungan ang mga residente sa mga nasabing bayan na apektado ng unemployment dahil sa naranasang krisis.

Samantala, naging posible naman ang pamamahagi sa pakikipag-ugnayan ng tanggapan ng ikaapat na distrito ng Pangasinan at mga lokal na gobyerno ng Manaoag at San Jacinto sa ahensyang DOLE. |ifmnews
Facebook Comments