Manila, Philippines – Arestado ng Quezon City Police District Special Operation Unit o DSOU ang hinihinalang miyembrong Maute Terrorist Group na si Nasip Ssarip 35 anyos.
Si Sarip ay naaresto sa Nashliah store, tindahan ng kanyang pagmamay-ari sa loob ng Salaam Mosque Compound Brgy. Culiat Quezon City.
Ayon kay QCPD Dist. Dir. P/Chief Supt. Guillermo Eleazar ang grupo ni Sarip ay pinaniniwalaang sangkot sa pambobomba sa Longos Leyte noong nakalipas na December 28 at pagtatanim ng bomba sa US Embassy noong November 28, 2016.
Sinalakay ang Muslim Compound kasunod ng inilabas na Warrant of Arrest laban sa umanoy teroristang si Jamil Baja Tamil.
Paliwanag ni Eleazar hindi inabutan si Tamil pero ang nadakip ay si Sarip na umanoy nagkakanlong sa suspek .
Kabilang sa nasamsam sa hinihinalang terorista ay
60mm Mortar na may C4 o pampasabog , 1 Sub-Machine Pistol , 2 Caliber 45, mga bala at 7 sachet ng shabu .
60mm Mortar na may C4 o pampasabog , 1 Sub-Machine Pistol , 2 Caliber 45, mga bala at 7 sachet ng shabu .
Nakatakdang iturn over mamayang alas 9:30 ng umaga ng QCPD sa Kampo Krame para sa iprepresenta sa Media.
Facebook Comments