Miyembro ng Maute na nasa main battle area sa Marawi, nasa 50 na lang

Marawi City – Umaabot na lamang 50 miyembro ng Maute-ISIS group ang nasa main battle area sa Marawi City.

Ayon kay Joint Task Force Ranao Deputy Commander, Col. Romeo Brawner Jr. – lumiliit ang mga lugar na ginagalawan ng mga kalaban.

Mula aniya sa 25 ektarya ay bumaba na ito sa 21 ektarya.


Sinabi pa ni Brawner – may ilang sibilyan ang binabayaran para sumapi sa mga terorista at magbigay serbisyo sa mga ito.

Dahil dito, mas pinalakas pa ng tropa ng militar ang pagmo-monitor sa iba pang lugar sa Marawi upang hindi na madagdagan ang pwersa ng mga terorista.

Facebook Comments