Manila, Philippines – Pinatawan ng life imprisonment o habambuhay na pagkakakulong ng Makati Regional Trial Court Branch 63 si Horacio Hernandez Herrera na pinaniniwalaang miyembro ng Mexican Sinaloa drug cartel na akusado sa pagbebenta ng cocaine sa Makati 4 na taon na ang nakakaraan.
Sa desisyon ni Makati Judge Selma Palacios Alaras ng RTC Branch 63 bukod sa life imprisonment, inatasan din Horacio Hernandez Herrera na magmulta ng kalahating milyong piso hanggang sampung milyong piso matapos mapatunayang nilabag nito ang Section 5 ng Article 2 ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Si Horacio Hernandez Herrera ay naaresto nuong Jan 2015 ng mga tauhan ng PDEA at Philippine National Police Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Force (PNP-AIDSOTF) sa isang buy-bust operation sa Makati.
Inaresto si Herrera matapos magbenta ng P12M halaga ng cocaine sa PNP-AIDSOTF undercover agents.
Una nang itinanggi ni Herrera ang paratang at sinabi na ang kanyang pagkakaaresto ay invalid at siya ay biktima ng robbery, kidnapping at extortion.
Si Herrera ay kasama sa top 5 man sa Sinaloa drug cartel na nag ooperate Amerika, Australia, Europe, West Africa, Pilipinas at iba pang Asian countries.
Ang Sinoloa Drug Cartel ay ang world’s most powerful o pinakamakapangyarihan drug trafficking organization sa buong mundo na pinamumunuan ni Joaquin “El Chapo” Guzman na napatunayang Guilty ng hukuman sa Amerika dahil sa pagpupuslit ng tone toneladang droga sa US- Mexican border.