Cauayan City, Isabela- Isang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang nabisto kahapon ng mga otoridad sa isang checkpoint sa bayan ng Allacapan, Cagayan matapos umano itong magpanggap na baliw.
Ayon sa report ng Police Regional Office 2, nakilala bilang alyas ‘Gian’ ng isang dati nitong kasamahan sa kilusan ang nagpanggap na baliw at sinasabing kumikilos sa bulubunduking bahagi ng Flora, Apayao kung saan labing-anim (16) na taon na ang nakakaraan.
Si alyas Gian ay residente umano ng Barsat, Baggao sa lalawigan ng Cagayan at nagsilbing guro ng mga rebelde na hindi marunong magbasa at magsulat bilang bahagi ng pagsasanay sa loob ng kilusan noong March 2005 sa Apayao.
Sa ngayon ay nasa pangangalaga na ng pulisya ang nasabing ginang na sumasailalim sa pagsisiyasat.
Kaugnay nito, nanawagan naman si PRO2 Regional Director PBGen. Crizaldo Nieves sa publiko lalo na sa mga alagad ng batas na maging alerto matapos ang ginawang pagpapanggap ng baliw ng ginang upang makakalap umano ng impormasyon laban sa gobyerno.