Miyembro ng NPA, sumuko sa mayor ng Kiamba, Saranggani

General Santos City – Boluntaryong sumuko kay Kiamba, Municipal Mayor Raul Martinez at kay Police Chief Inspector Rey Salgado, Chief Of Police ng Kiamba Municipal Police Station, ang isang kasapi ng New People’s Army.

Ang nasabing kasapi ng NPA kinilalang si Benjie Lawan, legal age, residente ng Purok 18, Barangay Katubao ng nasabing bayan.

Alas 10:30 ng umaga nang sumuko si Lawan bitbit nito ang isang homemade 22 revolver at mga bala na ginagamit umano nito sa kanilang operasyon.


Ikinatuwa naman ni Mayor Martines at ni Police Chief Inspector Lawan ang pagsuko ng nasabing NPA.

Sa ngayon nasa kostudiya na ng Kiamba Police Station si Lawan habang bina-validate pa ng PNP at ng mga sundalo kung totoong miyembro ng NPA si Lawan.

Facebook Comments