Matapos masawi ang misis, nagbalik-loob sa pamahalaan ang isang miyembro ng Communist Party of the Philippines–New People’s Army (CPP-NPA) sa Impasugong, Bukidnon.
Ayon kay First Lieutenant Abigail Lorenzo, acting Civil Military Operation Officer ng 8th Infantry Battalion, ang sumukong NPA ay si Hodi Singayan Almahan, alyas Talumbaboy, Squad Leader ng Squad 2, Platoon Copper, Headquarters Force Neon, North Central Mindanao Regional Committee (NCMRC).
Isinuko naman ni Almahan ang kanyang M16 rifle, apat na short magazine, at anim na live ammunition.
Nabatid na nasawi ang misis ni Almahan na isang medic o supply officer ng kanilang unit at isa pang kaanak sa engkwentro sa San Luis, Agusan del Sur noong May 2021.
Buko sa kaniya, sumuko rin sa militar ang pitong miyembro ng Milisya ng Bayan (MB).
Siniguro naman ng militar na tutulungan nila ang mga sumuko na makatanggap ng benepisyo mula sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) para sa kanilang magandang kinabukasan.