Miyembro ng PCG, sinampahan ng administrative case at estafa matapos mangikil sa aplikante

 

Nagsampa na ng kaso ang Philippine Coast Guard (PCG) sa isa nilang kawani na si CG Petty Officer Third Class Ibrahim Banota, ng kasong Estafa at administrative case.

Matapos nitong magtangkang mangikil ng halangang Php 150,000 sa isang aplikante kapalit ang tiyak na pagpasok sa serbisyo ng Coast Guard sa gitna ng patuloy na cycle ng recruitment ng PCG sa buong bansa para sa taong 2024.

Nakatanggap umano ang PCG ng ulat hinggil sa ilegal na aktibidad ng nasabing tauhan ng Coast Guard Station Western Tawi-Tawi sa Zamboanga City, na agad sinundan ng entrapment operation ng PCG at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Region 9 para ito’y arestuhin.


Ibinahagi naman ng Coast Guard District Southwestern Mindanao (CGDSWM) na kasalukuyan nang prinoproseso ang sinampang kaso para sa nasabing paglabag.

Facebook Comments