Cauayan City, Isabela-Nagpositibo sa COVID-19 ang apat (4) na police trainee at 2 police officer ng Solana Police Station gayundin ang isang (1) sundalo na nakatalaga sa Camp Sitio Burubor sa lalawigan ng Cagayan.
Batay sa datos ng Provincial Epidemiology and Surveillance Unit (PESU), pawang mga asymptomatic ang apat (4) na police trainee at isang (1) sundalo habang ang dalawang police officer ay nakaranas ng pag-uubo, lagnat at panghihina ng katawan.
Kabilang rin ang isang 30-anyos na si CV 4947 na nagpositibo sa virus at tauhan ng isang Board Member ng unang distrito ng Cagayan na nakaranas naman ng ubo, sore throat, hirap sa paghinga, sakit ng ulo, kawalan ng panlasa at pang-amoy na nagsimula kahapon.
Samantala, hiniling ni Governor Manuel Mamba sa City Health Office ng Tuguegarao na mangyaring idala sa quarantine facility ang mga pasyenteng nakapasailalim sa strict home quarantine upang maiwasan ang posibleng pagkahawa ng iba pang miyembro ng pamilya sa virus.
Bukod sa mga nagpositibo sa COVID-19 dahil sa local at community transmission ng virus ay nakarekober naman ngayong araw ang 31 na pasyente, labing-pito (17) sa Tuguegarao City, (8) sa Amulung, (3) Piat at tig-isa (1) naman sa Gattaran, Buguey at Ballesteros.
Sa ngayon ay patuloy na inoobserbahan ang mga nagpositibong pasyente na kasalukuyang nasa isolation facility.