*Cauayan City, Isabela*- Umani ng iba’t ibang komento ang social media post ng isang alkalde dahil sa impormasyong isang lalaki na kinatawan ng isang security sector ang nakaranas ng sintomas na kahalintulad ng COVID-19 sa Brgy. Centro Norte- Brgy Masin sa Bayan ng Alcala, Cagayan.
*COVID-19 ALERT:*
*One Person Under Monitoring (PUM), male, 29 years old and residing at Bgy. Centro Norte-Bgy. Masin area of Alcala, Cagayan, developed severe symptoms late last night. He has been brought to and admitted in CVMC for testing. People who have had contact with him are under strict quarantine. PLEASE STAY HOME (Post Mayor Tin Antonio)*
Ayon kay Mayor Christine Antonio, batay sa impormasyong ibinahagi sa kanya ay nagbakasyon umano ang nasabing lalaki sa kalakhang maynila at nakahalubilo ang ilang banyaga ng ilang araw.
Dagdag pa ng alkalde na umuwi ng kanyang hometown ang 29 anyos na lalaki sa Lungsod ng Santiago nito lamang March 10 na nakaranas ng matinding lagnat hanggang sa umuwi ng Bayan ng Alcala nitong March 15 at nakapagreport sa kanyang pinagtatrabahuhan nito lamang March 16.
Sinabi pa ng alkalde na kagabi ay nakaranas ito ng matinding pag uubo at masakit na lalamunan kung kaya’t nagdesisyon ang kanyang mga kasamahan na idala sa Cagayan Valley Medical Center para suriin ang sitwasyon ng kanyang kalusugan.
Sa ngayon ay nananatili na nakaquarantine ang mga nakasalamuha ng itinuturing na patient under monitoring para makaiwas sa posibleng pagkalat ng sakit.