Miyembro ng SSS, umaaray sa dagdag kontribusyon

Inihayag ngayon ng Social Security System o SSS na magpatutupad ngayon ang ahensiya ng 1% taas-contribution simula ngayong January 2025 upang maging 15% mula sa dating 14%, alinsunod sa probisyon ng Republic Act (RA) no. 11199 o Social Security Act of 2018.

Ito’y kasama sa dagdag na minimum monthly salary credit (MSC) na P5,000.00 mula sa dating P4,000.00 at ang maximum MSC na P35,000.00 mula sa dating P30,000.00 kung saan ang huling tranche ng contribution rate at ang dagdag na monthly salary credit ay nagsimula noong 2019.

Ayon kay SSS President and Chief Executive Officer Robert Joseph M. De Claro, ang scheduled contribution rate at MSC increases ay ang pinakamahalagang reporma ng ahensiya sa ilalim ng RA 11199 na ang layunin ay upang matiyak na magkaroon ng long-term viability ng SSS.


Paliwanag pa ni De Claro, ang kontribusyon rate at dagdag na monthly salary credit ay resulta ng karagdagang koleksyon na umaabot sa P51.5-B ngayong 2025, kung saan 35% dito ay P18.3 billion ay mapupunta direkta sa mandatory provident fund accounts ng mga SSS member.

Giit pa ni De Claro, ang karagdagang koleksyon ng SSS ay bilang suporta sa national government sa oras ng mahigpit na pangangailangan kung saan ang ahensiya ay nagpalabas ng P9.7-B sa calamity loans sa higit 500,000 calamity-stricken members.

Facebook Comments