MIYEMBRO NG SWAT PNP NA NAKABASE SA NCR, KALABOSO SA LUNGSOD NG SAN CARLOS DAHIL SA PAGNANAKAW; KAPATID NG SUSPEK ARESTADO RIN

Arestado ang isang 29-anyos na miyembro ng Special Weapons and Tactics o SWAT kasama ang kapatid nito matapos masangkot sa pagnanakaw sa isang tindahan sa Lungsod ng San Carlos noong ika-14 ng Hulyo.
Nakilala ang mga suspek na sina si Police Corporal Jhomel Dassil Blas, isang aktibong miyembro ng SWAT na nakabase sa Northern Police District (NPD) sa National Capital Region Police Office (NCRPO) at ang kapatid nito na si Jerick Dassil Blas, bente siyete anyos, pawang mga residente ng Baggao, Cagayan.
Ayon sa pulisya, ang mga suspek ay nahuli dahil sa isinagawang hot pursuit ng kapulisan sa pangunguna ng San Carlos City PS matapos pagnakawan ng dalawa ang isang ginang sa Brgy. Talang kung saan nakilala ang biktimang si Maria Cayabyab Cariño, 64-anyos.

Ayon sa salaysay ng biktima, nagsasara na siya ng kanyang tindahan at dito na siya ginamitan ng pepper spray ng mga suspek at dito na rin tinangay ng mga ito ang hawak nitong plastic na lamang humigit kumulang Php300,000.00.
Kinilala naman ng biktima ang mga suspek at napag-alaman din na ang matandang suspek ay kasintahan ng anak ng biktima na isa ring pulis sa Maynila.
Samantala, naagaw mula sa mga suspek ang ginamit na pepper spray, kotse, mga plakang ninakaw, mga kagamitan ng suspek na pang-SWAT PNP maging ang P156, 000 na pera.
Ayon kay Pangasinan PPO Director Police Colonel Jeff Fanged na hindi aniya hinihayaan ng kapulisan ang ganitong gawain ng mga pulis.
Kinumpirma naman ng opisyal na patong-patong na kaso ang kakaharapin ng mga suspek at posibleng ma-dismiss sa serbisyo ang tiwaling pulis.
Pinasalamatan naman nito ang kapulisan ng San Carlos City PS sa agarang aksyong ito sa pangunguna ni Police Lieutenant Colonel Jose Abaya II.
Sa ngayon nakakulong pansamantala sa lungsod ang mga ito at inihahanda na ang kasong ipapataw sa mga ito. |ifmnews
Facebook Comments