Miyembro ng terrorist group, patay sa shootout

Zamboanga City – Na-neutralize ng magsanib pwersa ng intelligence section ng RMFB9, 904th Mobile Company ang isang miyembro ng urban terrorist group sa lungsod ng Zamboanga kagabi bandang alas nueve ng gabi sa Sto.NiƱo Barangay San Jose .

Ang suspek ay nakilala bilang si Admar Asilon alyas Abdul, Sulaiman Hasilon, Wiwing at Intay 35 taong gulang at residente sa nasabing lugar .

Matagal na umano minamanmanan ng otoridad ang nasabing suspek at kagabi sa law enforcement operation na salubong ng otoridad ang suspek na naglalakad sa nasabing barangay nang mapansin nito ang presensya ng mga pulis nang bigla na lamang nito binunot ang kanyang baril at pinaputukan ang mga pulis, pagkatapos tumakas papunta sa abandonadong establisyemento at doon na ito na corner ng operating team na sanhi ng shootout .


Nakatamo ng tama ng bala sa dibdib ang suspek habang nakuha sa kanyang possession ang isang caliber 45 pistola, handbag na may lamang isang litro ng bote na may lamang ammonium nitrate fuel oil o ANFO , isang M26 hand grenade, detonating cord , electric time fuse at isang cellphone.

Si Admar ay miyembro ni Marzan Ajijul ng UTG na nag-o-operate sa east coast sa Zamboanga at miyembro rin ito ng city hunter o isang gun for hire group na nag-o-operate sa lungsod ng Isabela sa lalawigan ng Basilan .

Dinala pa si Admar sa Zamboanga City Medical Center subalit dineklara nqa siyang dead on arrival dahil sa mga natamong sugat sa katawan.

Facebook Comments