Manila, Philippines – Sumusuko na ang Magnificent 7 sa paglaban sa martial law extension sa Mindanao.
Ayon kay Albay Representative Edcel lagman, hindi na maituturing na ‘court of last resort’ ang Korte Suprema dahil lahat ng desisyon ay sang-ayon sa administrasyon.
Aniya, mistula nang kasabwat ng kongreso at ni Pangulong Duterte ang Korte Suprema sa paglabag sa saligang batas.
Dahil dito, wala ng balak ang independent minority o Magnificent 7 na maghain pa ng motion for reconsideration sa Korte Suprema para ipabaligtad ang desisyon ng Supreme Court na nagdedeklarang constitutional ang martial law extension sa Mindanao.
Para kay Lagman, ang paghahain ng motion for reconsideration ay palagi namang opsiyon pero ito ay futile attempt na lamang.