Malacañang, tiniyak ang pagdepensa sa Korte Suprema ng martial law extension
Manila, Philippines – Handa ang Malacañang na idepensa ang posisyon nito sa martial law hanggang sa Kataas-Taasang Hukuman.
Reaksiyon ito ng Malacañang sa harap ng mga haka-haka na pangmatagalan na ang pinaiiral na batas militar sa Mindanao gayundin ang petisyon kontra martial law extension na inihain sa Supreme Court ng opposition congressmen.
Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, walang basehan ang naturang alegasyon.
Iginiit din ni Roque na dumaan sa proseso ang ekstensyon ng batas militar dahil ito ay dumaan sa Ehekutibo at Lehislatibo.
Malinaw din aniyang nailatag ng security ground commanders ang rason kung bakit kailangang magpatupad pa ng isang taong martial law sa rehiyon.