ML EXTENSION | Pagbasura ng SC sa mga petisyon, makabubuti raw sa PNP

Manila, Philippines – Isang magandang desisyon para sa Philippine National Police (PNP) ang ginawa ng Korte Suprema matapos na ibasura ang mga petisyon para sa extension ng Martial Law sa Mindanao.

Ayon kay PNP Spokesperson Police Chief Supt. John Bulalacao, makabubuti sa PNP ang desisyong ito dahil maipagpapatuloy nila ang ginagawang pagpapanatili ng kaayusan at katahimikan sa buong Mindanao.

Sa ngayon kasi aniya, tuloy-tuloy ang panghihikayat ng mga teroristang grupo na umanib sa kanilang grupo at suportahan ang kanilang adhikain.


Sa kasalukuyan nanatiling naka-full alert ang buong hanay ng Pambansang Pulisya sa Mindanao dahil sa umiiral na Martial law.

Facebook Comments