MMA FIGHTER | Ana “The Hurricane” Julaton, nagpa-alam na sa combat sports

Amerika – Nagpa-alam na ang Fil-Am fighter na si Ana “The Hurricane” Julaton sa combat sports matapos ang labing isang taon.

Sa instagram post ni Julaton, nagdesisyon siyang iwan ang MMA matapos niyang makausap ang promoter at adviser nitong si Allan Tremblay.

Ayon kay Julaton, masaya siya sa kaniyang naging pasya at naniniwala siya na marami pa din kababaihan ang makikila at hahangaan sa larangan ng combat sports sa mga susunod na henerasyon.


Nagpapasalamat rin siya sa lahat ng sumuporta sa kanya kung saan maliban sa pagiging WBO at iba women’s super-bantamweight champion, sumabak rin si Julaton sa MMA nang pumirma ito ng kontrata sa one championship.

Hawak ng “The hurricane” ang 14-4-1 record sa boxing, samantalang may 2-4 win-loss slate naman ito sa MMA.

Facebook Comments