MMC, maglalabas ngayong tanghali ng rekomendasyon kaugnay sa pagpapalawig o hindi ng MECQ sa NCR Plus bubble

Magpapalabas ngayong tanghali ang Metro Manila Council (MMC) ng kanilang rekomendasyon sa Inter-Agency Task Force kung papalawigin o hindi ang Modified Enhanced Community Quarantine sa National Capital Region Plus bubble.

Sa interview ng RMN Manila kay MMC Chairperson at Parañaque City Mayor Edwin Olivarez, nakita na nila ang data analysis ng National Economic and Development Authority (NEDA) hinggil sa epekto ng MECQ sa ekonomiya ng bansa at datos ng COVID-19 cases.

Ayon kay Olivarez, ang mga ito ang kanilang pinagbatayan sa kanilang rekomendasyon sa nakatakdang pag-convene ngayong tanghali ng IATF upang pag-usapan ang magiging quarantine status sa Metro Manila at apat na kalapit na lalawigan.


Samantala, upang maiwasan naman na maging super spreaders ang mga community pantry, inihayag ni Olivarez na nagbaba na ang MMC ng resolusyon para sa tamang pagpapatupad ng mga health protocols sa mga community pantry.

Facebook Comments