Dahil sa mabilis na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa National Capital Region, magpupulong bukas ang mga miyembro ng Metro Manila Council.
Ayon kay outgoing Parañaque City Mayor at MMC Chairman Edwin Olivarez, pag-uusapan nila ang posibilidad na itaas sa Alert Level 2 ang Metro Manila.
Nabatid na hanggang bukas na lang, June 15, iiral ang Alert Level 1 sa Metro Manila at nasa desisyon ng Inter-Agency Task Force kung palalawigin ito.
Pero sinabi ni Olivarez na kung siya ang tatanungin ay nais niya na manatili muna sa Alert Level 1 ang rehiyon lalo na’t hindi pa ito napapanahon.
Ang kailangan lamang aniya ay huwag maging kampante ang publiko at sumunod sa public health standards at samantalahin ang bakuna laban sa COVID-19.
Facebook Comments