MMC, magpupulong ngayong gabi para sa susunod na quarantine classification sa Metro Manila

Magpupulong mamayang gabi ang Metro Manila Council (MMC) kaugnay sa magiging rekomendasyon nila sa Inter-Agency Task Force (IATF) para sa susunod na quarantine status sa Metro Manila.

Kasunod na rin ito ng pagpagtatapos ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Biyernes, Agosto a-bente.

Sa interview ng RMN Manila kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos, sinabi nito na ang magiging rekomendasyon ng Metro Manila mayors ay nakabatay sa iba’t ibang usapin, tulad ng bilang ng COVID cases, health care utilization rate at bilang ng walang trabaho at nagugutom.


Kabilang din sa pag-uusapan ng MMC ay kung palalawigin o hindi na ang pansamantalang pagbabawal ng pag-eehersisyo sa labas ng bahay upang makaiwas sa COVID-19.

Facebook Comments