MMC, pinawi ang pangambang magkaroon ulit ng COVID-19 surge kapag ibinaba na sa Alert Level 1 ang NCR

Handa ang Metro Manila Council na bantayan ang galaw ng mga tao sakaling ibaba na sa Alert Level 1 ang National Capital Region (NCR).

Sa harap ito ng pangambang sumipa muli ang kaso ng COVID-19 kapag nagluwag na sa NCR lalo’t panahon ngayon ng kampanya.

Ayon kay MMDA General Manager Romando Asrte, sa kabila ng mga malakihang political rally nitong mga nakalipas na linggo ay hindi nakitaan ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 ang mga lungsod sa NCR na isa sa mga naging konsiderasyon ng mga alkalde para irekomenda ang Alert Level 1.


Sa ngayon, 16 na musala 17 lungsod sa Metro Manila ang nasa “low risk” na sa COVID-19.

Samantala, ayon kay Artes, pagpapasigla ng ekonomiya ang pangunahing dahilan kaya hiniling ng mga alkalde na maibaba pa ang alert level system sa Kalakhang Maynila.

Facebook Comments