MMDA, aalisin na ang window hours ng Unified Vehicular Reduction System matapos aprubahan ng MMC

Aalisin na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang window hours ng number coding scheme.

Ayon kay MMDA acting Chairman Romando Artes, inaprubahan na ng Metro Manila Council (MMC) nitong October 6 ang resolusyon para sa buong araw na number coding na epektibong nag-aalis ng window hours.

Ngunit paglilinaw ni Artes na inaaral pa nila ang petsa kung kailan ito ipatutupad, oobserbahan muna umano ng ahensya kung bibigat pa ang daloy ng trapiko habang papalapit ang kapaskuhan.


Samantala, inaprubahan din ng MMC ang resolusyon na magtataas ng multa sa dumaraan sa bus lane:

Para sa 1st offense: P5,000
2nd offense: P10,000, 1 month suspension ng driver’s license at seminar
3rd offense: P20,000, 1 year suspension ng driver’s license
4th offense: P30,000 at tuluyan nang babawiin ang kanilang lisensya.

Facebook Comments