MMDA aaraw-arawin ang paglilinis sa mga kalsadang malapit sa eskwelahan

Sa layuning maibsan ang mabigat na daloy ng trapiko sa paligid ng mga eskwelahan lalo na ang mga malalaking pampublikong paaralan.

Aaraw-arawin ng mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang paglilinis at pagto-tow ng mga sasakyang nakaharang sa kalsada.

Ayon kay MMDA Chairman Danilo Lim, ilan sa mga nasampolan sa operasyon nila kahapon ay ang 80 motorista na huli dahil sa illegal parking sa Quezon City.


Nakahuli din ang mga tauhan ng Task Force Special Operations ng 21 unattended vehicles at 12 attended vehicles na iligal na nakaparada; 21 motorcycle riders na hindi nakasuot ng helmet; tatlong motoristang hindi sumusunod sa mga traffic signs; isang fish ball cart din ang kinumpiska dahil nakakaapekto sa trapiko habang dalawampung tricycles din ang nahuli dahil sa overloading.

Sinabi pa ni Lim na nag-deploy siya ng 2,000 traffic personnel sa mga lugar kung saan maraming estudyante.

Facebook Comments