Aminado ang Metro Manila Development Authority na bumabagal ang operasyon ng kanilang mga pumping stations dahil sa mga bumabarang basura.
Ayon kay MMDA Asec. Celine Pialago, nagiging dahilan ito kaya nagkakaroon ng pagbaha sa ilang bahagi ng Maynila kahit pa mayroon nang 60 pumping stations ang gumagana dito.
Dahil dito, magdaragdag ng pa ang MMDA ng 20 pumping station kung saan 16 dito ay ilalagay sa Quezon City na madalas na binabaha.
Nanawagan din ang mmda sa publiko na itapon ng maayos ang mga basura upang hindi ito makarating o makaabot sa mga naturang pumping stations lalo na’t posibleng masira ang mga makina nito.
Inaasahan naman ng mmda na makakatulong ang proyekto ng pamahalaan na tinawag na Metro Manila Flood Management master plan na sinimulan noong 2017 at matatapos sa 2023 kung saan nakapaloob dito ang pagpapalit ng mga drainage, pagbabantay sa mga estero, pagbibigay kaalaman sa wastong pagtatapon ng basura at relokasyon ng mga nakatira sa estero.