Kinumpirma ni Metropolitan Manila Development Authority o MMDA Assistant Secretary Celine Pialago na nag-negatibo siya sa Coronavirus Diseases 2019 o COVID-19.
Matapos itong mag pasuri, nang mapag-alaman niya na na-expose siya sa isang empleyado ng MMDA na nag-positibo din sa nasabing virus.
Kaya naman kamakailan ay sumailalim ito sa 14 day self-quarantine, bilang protocol ng MMDA sa mga precautionary measures para mapigilan ang pagkalat ng virus.
Aniya nakaramdam siya ng flu-like symptoms sa unang tatlong araw ng kanyang self quarantine.
Tiniyak naman niya na kahit nag-negatibo siya sa COVID-19, itutuloy pa rin niya ang kanyang self-quarantine, kasama na rin ang ibang empleyado ng MMDA na posibleng na-expose din sa carrier ng virus.
Una na dito, inihayag ni MMDA General Manager Jojo Garcia na nag-positibo siya sa COVID-19 noong March 28.