MMDA at BAI, maglalagay ng dagdag na inspection site para mapigilan ang pagpasok ng ASF sa Metro Manila

Plano ng Bureau of Animal Industry (BAI) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) kasama na ang mga lokal na pamahalaan na maglagay ng karagdagang mga inspection sites para hindi makapasok sa Metro Manila ang mga meat products at live hog na maaring kontaminado ng African Swine Fever (ASF).

Sa isinagawang Metro Manila Council meeting sinabi ng kinatawan ng BAI na ang dagdag na anim na inspection sites ay para sa iba’t ibang lugar ng Quezon City, Valenzuela at North Caloocan.

Inihayag naman ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Atty. Don Artes na dapat handa din ang mga lokal na pamahalaan sa pakikipag tulungan sa BAI sa pag lalagay ng inspection site at checkpoints.


Kabilang dito ang pagbibigay ng mga logistitcs at iba pang pangangailangan sa check point at inspection site, gayundin ang dagdag na mga tauhan na mag babantay sa naturang mga lugar.

 

Facebook Comments