MMDA at DILG, nagpatawag ngayon ng pagpupulong sa mga marker administrator para pag-usapan ang implementasyon ng price ceiling sa bigas

Nagpatawag ng pagpupulong ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Department of the Interior and Local Government (DILG) sa mga market administrator sa Metro Manila.

Ayon kay MMDA Chairman Atty. Romando Artes, layon ng pagpupulong na pag-usapan ang bagong kautusan ng Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., kaugnay sa implementasyon ng EO 39 o ang pagtatakda ng price ceiling sa bigas.

Paliwanag ni Artes na kabilang sa mga dumalo rito ay ang mga alkalde ng iba’t ibang mga LGU sa National Capital Region (NCR) mga market administrator mula sa mga pribado at pampublikonng palengke.


Sinabi naman ni DILG Sec. Benhur Abalos na layon ng pagpupulong na matiyak na maipatutupad nang maayos ang price ceiling sa iba’t ibang mga palengke sa Metro Manila alinsumod sa EO ng pangulo.

Facebook Comments