Hindi nagpatinag sa ulan at malakas na hangin at tuloy pa rin ang clearing operation ng mga tauhan ng MMDA, DPWH at Metro Manila Parkway Group sa Roxas Boulevard partikular na sa may gilid ng U.S. Embassy.
Sandamakmak na basura ang dapat nilinis na napadpad ng alon at hangin sa sulok ng U.S. Embassy.
Kabilang sa pinagkaabalahang hakutin ng MMDA ang sako-sakong tsinelas, platic bottles at mga kahoy na sa sobrang dami ay tila makakabuo na ito ng barong-barong na bahay.
Aminado ang MMDA na marami pa rin ang napapadpad na basura sa Manila Bay pero nagpapasalamat sila na hindi ito kumalat sa ibang mga bahagi tulad ng Malabon at Navotas.
Sa ngayon, nakasentro ang clearing operation sa gilid ng U.S. Embassy na nagsimula kaninang 6:00 ng umaga.
Facebook Comments