MMDA at iba pang ahensya ng pamahalaan, nagsagawa ng inspeksyon sa PITX ngayong umaga

Nagsagawa ng inspeksyon ang Metro Manila Development Authority o MMDA sa pangunguna ni General Manager Usec. Procopio Lipana sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX). Kasama sina Department of the Interior and Local Government (DILG) For Public Safety Asec. Florencio Bernabe Jr., Southern Police District Director PBGen. Mark Pespes at mga opisyal ng PITX.

Kung saan inikot ni Lipana ang mga ilang pasahero na bibiyahe pauwi sa kanilang mga probinsya ngayong araw.

Ayon kay MMDA GM Procopio Lipana, maayos naman ang kalagayan ng mga pasahero habang nag-aantay ng kanilang mga biyahe, wala namang naging reklamo ang mga pasahero at naging maayos naman nag serbisyo ng PITX.


Sa kabilang banda, tiniyak naman ni SPD Director PBGen. Mark Pespes na paiigtingin pa ang pagbabantay ng mga kapulisan sa lahat ng terminal sa Southern Metro Manila para matiyak ang seguridad ng mga pasahero laban sa anumang insidente.

Aniya, nagdagdag na sila ng mga tauhan sa bawat terminal at naglagay ng police assistance desk.

Patuloy naman ang koordinasyon ng terminal sa kapulisan para sa pagpapatupad ng seguridad sa naturang terminal.

Facebook Comments