MMDA, binigyan ng ultimatum ang mga illegal vendors sa Baclaran upang umalis sa kanilang pwesto

Manila, Philippines – Nagbigay na lamang ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng hanggang April 21 (Biyernes) para umalis ang mga illegal vendors sa Baclaran, Parañaque City.

Ayon kay MMDA General Manager Tim Orbos – bahagi ito ng paghahanap ng solusyon sa trapiko.

Sa Biyernes, bubuksan na ang service road ng Roxas Boulevard dahil ginagawa na itong paradahan, terminal ng mga van, pampasaherong jeep at pedicab ang pitong lanes na dapat aniya’y nadaraanan ng mga motorista.


Dagdag pa ni Orbos – masasagasa ng kanilang clearing operation hindi lang ang mga vendors pati na rin ang mga hotels, embassies gaya ng Japan at Amerika maging ang iba pang establisyimento.
Samantala, naglabas na ang Department of Interior and Local Government (DILG) ng kautusan sa mga barangay kung saan kaso sa Ombudsman ang kahaharapin ang mga hindi makikipagtulungan sa clearing operation at ipagpapatuloy ang illegal parking at payagan ang mga illegal vendors.
Nation

Facebook Comments