MMDA: Biyahe ng ferry boats sa Pasig River, mas magiging mabilis na mula ngayong araw

Tiniyak ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na mula ngayong araw ay mas magiging mabilis na ang biyahe ng ferry boats sa Pasig River.

Ito ay dahil mismong mga tauhan na ng Philippine Coast Guard (PCG) ang tatao sa ferry boats na bumibiyahe sa Pasig River.

Ayon kay MMDA Public Safety Office Director Crisanto Saruca, partikular na mas mapapabilis ang biyahe ng mga pasaherong patungo ng Maynila at ang mga dadaan sa bisinidad ng Malacañang.


Kung dati kasi aniya ay nagtatagal ang biyahe kapag napapadaan na sa bisinidad ng Malacañang dahil sumailalim sa security protocol ang ferry boats, ngayon ay diretso na ito dahil ang PCG na ang magtitipon dito.

Inihayag ng MMDA na anim na ferry boats ang regular na bibiyahe sa Pasig River.

Facebook Comments